Sa mapalad na oras ng panalangin, Tayo ay magtitipon sa Kanyang piling; Tayo ay magsilapit kay Jesus na giliw, Biyaya N'ya'y panlunas! Kay tamis lasapin!
REFRAIN
Oh, pinagpalang oras ng dalangin, Panlunas ka sa pagod, hirap at hilahil.
Sa mapalad na oras ng panalangin, Pakikinggan Niya ang ating pagdaing; At sa lahat ng ating dusa ng damadamin. Biyaya N'ya'y panlunas! Kay tamis lasapin!
Sa mapalad na oras ng panalangin, Sa Kanyang harapan, lingap ay hingin; Sa Kanya ay ilapit ang ating panimdim, Biyaya N'ya'y panlunas! Kay tamis lasapin!
Sa mapalad na oras ng panalangin Ay sumampalatayang Kanyang diringgin, At ipagkaloob ang anumang hingin; Biyaya N'ya'y panlunas! Kay tamis lasapin!